
Minsan nakakalungkot talagang isipin na sa trabaho gaya ng meron ako (hemo nurse), di maiiwasang mapamahal ka sa mga pasyente at sa mga taong palagi mong nakikita kasama nila. Gayong halos dalawang beses sa isang linggo mo sila makita o higit pa nga kung minsan, andyan yung halos katropa mo na, kakwentuhan, kasama sa panunuod ng dvd, kasama sa iyakan kapag nanunuod ng wowowie(kapag nakakaiyak ung portion ni willie) AT SYEMPRE KASAMA SA KAINAN kapag merong may birthday. Halos mapag usapan nyo na nga lahat lahat ng tungkol sa kung kani-kaninong buhay...
Isa sa pinakanakakalungkot dito ay yung malaman mo isang araw na wala na sila. Ewan ko ba? Sobrang nakakalungkot at talagang namang di makapagpigil damdamin ang mararamdaman mo, parang maluluha ka na ewan. Higit pa kasi sa kaibigan ang turing namin sa kanila. Parang pangalawang magulang, kapatid at bespren na namin sila eh.
Pero ganun talaga ang buhay...





