Monday, May 25, 2009

nakakalungkot naman...


Minsan nakakalungkot talagang isipin na sa trabaho gaya ng meron ako (hemo nurse), di maiiwasang mapamahal ka sa mga pasyente at sa mga taong palagi mong nakikita kasama nila. Gayong halos dalawang beses sa isang linggo mo sila makita o higit pa nga kung minsan, andyan yung halos katropa mo na, kakwentuhan, kasama sa panunuod ng dvd, kasama sa iyakan kapag nanunuod ng wowowie(kapag nakakaiyak ung portion ni willie) AT SYEMPRE KASAMA SA KAINAN kapag merong may birthday. Halos mapag usapan nyo na nga lahat lahat ng tungkol sa kung kani-kaninong buhay...

Isa sa pinakanakakalungkot dito ay yung malaman mo isang araw na wala na sila. Ewan ko ba? Sobrang nakakalungkot at talagang namang di makapagpigil damdamin ang mararamdaman mo, parang maluluha ka na ewan. Higit pa kasi sa kaibigan ang turing namin sa kanila. Parang pangalawang magulang, kapatid at bespren na namin sila eh.

Pero ganun talaga ang buhay...

Sunday, May 24, 2009

STOP SMOKING PLS!

Nurse On Duty!

bagong mukha, bagong buhay....hay!









Ayan, new look na naman ako,haha.. kelangan talaga once in a month magpatrim ng buhok, para umayos ang hitsura at syempre dagdag pogi points narin un..hihi..
My new COMPAQ Presario CQ40 laptop...

Saturday, May 23, 2009


wow! one of the best movie soundtrack..

Friday, May 22, 2009

walang magawa...


Hay.., isang nakakatamad na umaga.. heto ako, nasa bahay, nakaupo, nanunuod ng wowowie. Sabado kasi kaya kelangang lubusin ng pagpapahinga, toxic kasi magduty ng weekdays from 8-5, minsan mas late pa kami umuwi. Ok naman ako, di rin namn ako mahilig gumala lalo na kung tanghali, ang init kaya sa labas. Kaya ito tyagaan nalang sa loob ng bahay, nuod tv at internet. Nakakatamad kasi kapag paulit-ulit nalang ang ginagawa, gusto ko magtry ng mga bagay na di ko pa nagagawa dati, pero everytime na isipin ko kung ano yun, wala naman ako maisip. ahahaa...
 
Designed by Lena